“Ako din”

Hayaan mong sulatan kita.

Oo ikaw, ang taong bumuklat at nagbasa ng aking munting sulat.

Marahil ay nakilala mo ako dahil sa kuwento ng mga ate at kuya mong graduate na, or kwento ng ating paboritong doktor ng komunikasiyon, or kwento ng mga kakilala ng kakilala mo.

Marahil ay ilang beses mo na akong nakakasalubong sa corridors ng C Building at nais batiin; wag ka mag-alala nais din kitang batiin mediyo nakakahiya lang talaga.¬†Marahil ay naging kaklase mo na ako sa ibang subject; nanghingi na siguro ako sa’yo ng yellow paper or nanghiram ng ballpen na nakalimutan ko na ibalik, nakikita mo din siguro ako sa umaga habang nabili ng cinnamon at ice cold coffee sa canteen – paminsan minsan ay nasusulyapan ng hindi sinasadya at nais lapitan ngunit hindi magawa dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Wag ka mag-alala, ako din.

Marahil ay gusto mo ako kausapin tungkol sa iba’t ibang bagay; thesis, social life, pag-aaral, mga istorya tungkol sa last batch ng AB Comm, mga librong aking binabasa, nabasa, at babasahin, mga larong nalaro, nilalaro, at lalaruin.

Wag ka mag-alala, ako din.

Nakasabay mo na siguro ako sa jeep papuntang SM or papasok ng bayan, sa tricycle bago pumasok sa klase, sa pagpapaprint ng thesis at ng hand outs. Nakasama mo na siguro ako sa loob ng van noong nag-veritas tayo at naumay sa pakikinig sa boses kong miski ako ay nagtataka kung paano napunta sa harapan ng mic at nag-ere sa radyo. Nakita mo na siguro akong nangiti mag-isa na parang baliw habang ako ay nalabas ng room or nababa ng hagdan galing MC – “ano kayang nginingiti nitong mokong na to?” tanong mo.

Wag ka mag-alala, ikaw din.

Minsan na sigurong nagtagpo ang ating tingin; napatingin ka na sa mata kong sobrang liit na nakatago sa likod ng dalawang salaming may grado na limang daan. Ano kaya ang istorya ng taong ito? Saan siya galing? Saan siya pupunta? Mga tanong mo.

Wag ka mag-alala, ako din.

Nais kong ipaalam sa iyo na interesado ako sa iyo. Oo, ikaw, ikaw na bumuklat ng aking munting liham na nagnanais pumukaw ng iyong imahinasiyon at damdamin, ikaw na nakasalubong, nakasama, nakausap, at nakasalamuha ko sa ilang taon ko sa Letran.

Marahil ay nagtataka ka kung bakit kita sinulatan mahal kong kaklase; kung tutuusin hindi naman tayo nagkasama ng matagal. Hindi kita nakainuman, nakatambayan, nakakuwentuhan.

Pero nais kong malaman mo na sa mga pinakamaliliit mong kilos – sa pagkuha mo ng papel galing sa iyong bag, sa pag pihit mo ng iyong ballpen sa pagsusulat ng notes, sa pag sagot mo sa klase, sa pagsasalita mo, sa simpleng pag-tango mo pag nakakasalubong kita sa corridors ng C Building.

Sa pagpapakahirap mong tumuwad makakuha lamang ng perpektong anggulo sa DSLR mong bugbog na sa film at docu, sa pagtanggap mo sa akin sa Veritas kahit hindi mo ako kilala, sa pagsulat mo sa aking unipormeng nanilaw na sa sobrang tanda.

Nais kong malaman mo na masaya ako na kahit saglit ay dumaan ako sa buhay mo.

Sana ikaw din.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s